Martes, Mayo 17, 2011

ICTs, Kailan Nga Ba Nakasasama ang mga ito?...

        "Lahat ng sobra ay masama"
        "Iyan ang aking pananaw ukol sa usapin na pang malawakang gamit ng mga Information and Communication Technologies o mas kilala sa tawag na ICT.
         Hindi natin maikakaila na apektado ang lahat ng mga Pinoy sa usaping ito sapagkat sa bawat sulok ng mundo matatagpuan ang mga "gadgets na ito"
         Halimbawa ng mga ito ay ang sikat na sikat na cellphones, computers, i-pad, i-pod at madami pang iba.
         Oo nga't lahat ng ito'y nakatutulong lalo na sa larangan ng komunikasyon at pagkalap ng impormasyon ngunit kailan ba ito nakasasama?
         Sa Pilipinas isa ang kawalan ng trabaho sa pinakmatinding problema ng bansa, ano't isang dahilan ang mga ICT sa pagkatanggal ng ilang manggagawa dahil sa ang kakayahan ng tao ay maari ng higitan ng teknolohiya.
         Bilang isnag estudyante, ang ilang instrumento ng teknolohiya ay nakasasagabal sa aking pag-aaral. Lalo na kung masasabing ikaw ay "ADDICT" na. Hindi nga ba't mahirap iwasan ang pagtetext lalong-lalo na ang pagpeFACEBOOK?
         Sa kabila ng lahat ng di makabubuting epekto nito hindi natin masasabing basura na lamang ang mga ito sapagkat sila ay nilikha upang mapagaan at gawing mas komportable ang buhay ng tao.
         Maaring ang ICT ang dahilan ng kawalan ng trabaho ng ilang Pinoy ngunit hindi kailanman kayang gumana ng mga instrumentong ito kung wala ang mga taong may kakahayang kumpunihin, gamitin, at paganihin ang mga ICTs .
          Ilan sa mga taong aking tinutukoy ay ang mga programmer, computer engineers, at encoders.
          Sa kasalukuyan, ang mga ICT na kalat sa ating bansa ay ang dahilan upang mahikayat ang mga "foreign investors" na mag-invest sa Pilipinas sapagkat hindi lamang tayo magaling sa larangan ng pagkilala at paggamit ng mga ICT kilala rin tayo dahil sa mga natural na katangian ng mga Pilipino.
          Tulad ng pagiging masipag,matiyag, at magaling sa pakikipagkomyunikasyon.
           Dahil dito tumataas ang ekonomiya na magiging isa sa mga instrumento ng pag-unlad.
           Lahat naman ay ay kapaki-pakinabang ngunit kaakibat ng ating mga kakahayan ay ang kontrol o moderasyon. Kung marunong tayong  ibalanse ang lahat asahan mong wala tayong magiging problema basta't moderasyon ay huwag ipabaya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento